Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Bago ko pinanood ang pelikulang ito ay wala akong ideya kung sino si Asiong Salonga. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang reputasyon, at kung bakit siya ay karapat-dapat na magkaroon ng isang pelikula. Kaya naman naisipan ko na lamang na magsaliksik tungkol sa kaniyang kasaysayan matapos na mamangha ang mabilib sa mala-Martin Scorsese na cinematography ng pelikulang ito. Subalit hindi ko tatalakayin ang mga technicalities tulad ng aural at visual qualities ng pelikulang ito. Sa halip ay bibigyang-pansin ko ang kuwento at mga elemento ng narrative ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Si Nicasio (Asiong) Salonga ay isang gang leader na naghari sa Tondo noong dekada 40 at 50, at nakilala sa kaniyang paghamon sa ibang mas kilala at mas may karanasang mga gang leaders sa mga katabing munisipiyo. Ipinakita sa pelikulang ito ang mga katunggaling lider na sila Totoy Golem, Boy Zapanta, at iba pa. Ang mga gangs nila ay nakilala sa pagiging extortionists at smugglers. Dito sa mga pangunahing tauhang ito umiikot ang kuwento, at ito ang isang limitasyon ng Manila Kingpin. Hindi ito isang paglalahad ng buong talambuhay ni Asiong Salonga, kundi isang paglalahad ng kaniyang katauhan bilang isang matapang na gang leader, at taga-protekta ng Tondo.

Umpisa pa lamang ng pelikula ay malalaman mo nang puno ng bayolenteng imahe ang pelikulang ito. Sabi ko nga sa aking sarili, madadama mo ang testosterone overload sa pelikulang ito. Tulad ng mga mafia movies tulad ng The Godfather, puno ito ng guns, goons, at girls Pinoy-style.

Sa tingin ko naman ay epektibo ang naisip nila na approach pagdating sa sakop ng screenplay ng pelikulang ito, subalit para sa isang walang background o walang ideya sa kung sino si Asiong Salonga, ay medyo maguguluhan ka sa umpisa. Medyo naging malabo rin kasi para sa akin ang opening scene ng pelikula — “Sino itong nakataling binubugbog? At sino naman itong galit na galit sa kaniya?”  Ayon pa nga sa isang movie review na nabasa ko, ang kuwento ng isang “hari” ay dapat may holistic na paglalahad – mula sa kaniyang kabataan at pinagmulan, para maipakita ang mga motivation niya sa ganoong klase ng buhay. Habang umuusad naman ang istorya ay nagkakaroon ng linaw sa pagkatao ni Asiong Salonga, subalit nararamdaman kong namamalagi ang pakiramdam na marami pa akong gustong malaman tungkol sa kaniya.

Subalit sa kabila ng ilang nakalilito at kakulangan marahil sa background o research tungkol sa kasaysayan ni Asiong Salonga, ay nagustuhan ko ang simple at buong pagkakakabit-kabit ng mga tauhan sa isa’t isa. Walang irrelevant na mga karakter. Sa isang mundong tulad ng 1940s o 1950s Tondo, hindi moa lam kung sino ang tunay na mapagkakatiwalaan, at kung sino ang iyong mga tunay na kaibigan at mga kaaway. Lahat sila’y magkakakabit dahil sa kanilang sariling mga motivation (mapa-gang leader, pulis, pulitiko, o karaniwang tao). Lahat sila ay may purpose, at ito ay isang napakahalagang aspeto ng isang istorya na nagbibigay ng kulay at aksiyon sa buong kwento. Sa palagay ko’y naging simple ngunit makatotohanan ang characterization ng mahahalagang tauhan sa Manila Kingpin.

Dahil ang Manila Kingpin ay tungkol kay Asiong Salonga, isang mensahe ukol sa kaniyang pagkatao ang tumatak sa akin: Inilarawan siya bilang tagapagligtas at tagapagproteka sa kaniyang mga nasasakupan sa Tondo. Binuo ang kaniyang pagkatao na tila isang Messiah, isang Hesukristo sa isang mundong puno ng krimen at kaguluhan. Naisip ko ito kaagad nang makita ko ang mga larawan ni Asiong na ipinamimigay at idinidikit sa labas ng mga tindahan at bahay upang malamang sila ay protektado ni Asiong. Oo, masasabi nating kabilang siya talaga sa mga masasamang-loob na nagpapatakbo ng kanilang mga nasasakupan, pero iba si Asiong sa mga tauhang tulad nila Totoy Golem at Boy Zapanta na tila mga Pharisees na gusto siyang ipapatay. Samantala, si Erning ang kaniyang Hudas. Dagdag pa rito ay maikukumpara rin siya sa karakter ni Robin Hood, na inaalala ang mga mahihirap, ang kaniyang mga nasasakupan. Siya ay isang kriminal na may familial values, dignity, pride, at loyalty.

Subalit sa kabila ng pagiging “marangal” na kriminal ni Asiong Salonga, ay nandito pa rin ang kaisipang ang mga taong umiikot ang mundo sa ganitong klase ng pamumuhay na puno ng kaguluhan at krimen ay mamamatay din sa ganitong paraan. At ganoon nga ang nangyari sa mga pangunahing tauhan. “Those who live by the sword shall die by it, and no crime remains unpunished, whether it is just or by the hands of the rightful.”

About these ads

Tags: , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 58 other followers

%d bloggers like this: