Uncategorized

3 O’Clock Habit

Three o’clock in the afternoon is the hour of great mercy. At this hour, our Lord Jesus Christ died on the cross, and redeemed the world. Let us now get our prayer leaflets ready, so we may pray altogether the 3 O’Clock Prayer. Let us pray.

Nagsisimula pa lamang ang napakababa at napakalamig na voice-over na sabihin ang panimulang ito ng 3 O’Clock Habit, ay nagkakarandapa na akong umalis sa harap ng telebisyon at magtatago sa kwarto kung saan hindi ko siya maririnig. Sa araw-araw na pamumuhay na nanonood ako ng telebisyon sa hapon nung ako’y bata pa, ganito ang gawain ko basta’t lumabas na ang mapulang imahe ni Hesus. Noong mga panahong ito, mga anim o pitong taong gulang yata ako.

Ngayon na binabalik-balikan ko ang video ng orihinal na 3 O’Clock Habit (bago na kasi ang bersyon na ginagamit sa ABS-CBN ngayon, narito ang link ng orihinal na video http://www.youtube.com/watch?v=1FUrkNEniUc), bumabalik at takot na naramdaman ko para sa kaniya noong ako’y bata pa.

Una sa lahat, bakit nga ba kasi ganoon ang boses at tono ng pagdarasal niya? Napakalungkot. Dapat bang maging malungkot ang pagdarasal upang maipakita nating totoo ang ating mga panalangin? Kapag ganoon ba, ibig sabihin talagang mas epektibo ang pagdarasal kapag tayo’y malungkot lamang o kaya nangangailangan?

Ikalawa, bakit nakakatakot ang mga larawan ni Hesus na ginagamit nila–nakapako sa krus, may dugo sa mukha, distorted ang bibig na parang sumisigaw sa sakit? Kung hindi ito ang ipinapakitang larawan, ay ang mapulang larawan kung saan siya’y nakatayo at may mga ilaw na gumagawala mula sa kanyang damit. Subalit malungkot pa rin ang larawan sapagkat hindi rin siya nakangiti. Ganito kaya talaga si Hesus sa totoong buhay? Hindi marunong ngumiti at maraming angst sa buhay?

Ikatlo, bakit kaya sa lahat ng pagkakataong naaabutan ko ito, ay ang yumao kong lola ang aking kasama? Ang ironic pa kasi ang pangalan niya ay Lola Ligaya. Subalit lagi naming inaabutan ang nakakatakot at nakaka-depress na 3 O’clock Habit na ito. Dagdag pa sa irony of it all ay ang karamihan ng alaala ko namin ni Lola Ligaya noong ako’y mga anim na taong gulang pa lamang, ay palagi kaming nag-aaway. Lagi niya akong pinagagalitan, sinasagot at sinisigawan ko siya, at nagtatalo kami. Napakasuwail kong bata.

Naku, sanhi kaya iyon ng lagi kong pag-alis at pag-iwas sa pakikinig ng 3 O’clock Habit? Iyon kaya ang parusa sa akin sapagkat hindi ko pinakikinggan ang nakalulungkot na panalanging iyon sa telebisyon?

Kaya ba ako agnostic ngayon dahil sa hindi ako nagdarasal noong bata ako? O noong bata pa lamang ako ay alam ko nang hindi nila mapapatunayang may Diyos kaya noon pa ma’y sa loob ko ay alam ko nang magiging agnostic ako balang araw?

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s