Uncategorized

Stella, Luna, Phoebe

Stella

Madalas akong abutan ng dilim sa loob ng UP Campus, lalo na nitong mga nakaraang araw. Palagi akong tinatamad umuwi nang maaga. Marahil ay dahil ito sa gustung-gusto ko ang napakalamig nang panahon: Iyong bumabalot sa iyo ang malamig na hangin habang naglalakad sa may Acad Oval habang pinagmamasdan ang mga lamppost na nakapila sa magkabilang gilid ng oval na tila walang hangganan.

Siguro, kung ang mga bituing nakakahumaling pagmasdan sa langit ay may kakayahang bumaba sa lupa, hihilingin kong sana’y ganoon pa rin sila kaliit tulad ng kapag sila’y nakadikit sa kalawakan, o kaya naman sana’y para lang silang mga lamppost sa Acad Oval, o kaya ay parang mga alitaptap sa sumisilip-silip sa may gilid ng UP Lagoon at Sunken Garden. Ayoko pang makita ang mga tunay na bituin nang malapitan. Tanggap ko nang may mga bagay na sadyang dapat pinagmamasdan lamang mula sa malayo–kaligayahan lang para sa ating mga mata, sapagkat pag nilapitan at pinilit na hawakan ay isa sa inyong dalawa ang mapapahamak. Kaya naman ako’y kuntento na sa liwanag na bumabalot sa akin ngayong gabi.

Luna

Sa gabing ito, ang buwan ay ‘di rin gaanong kalakihan. Tanga ako pagdating sa pagkilala ng phases of the moon, kaya huhulaan ko na lamang at sasabihin na ito ay waning gibbous. Minsan nga, kapag sinisilip ko ang buwan, kahit na alam kong ito ay full moon, mapapansin kong parang lagi nang may kulang sa pagiging perfect circle nito. Ang buwan ay ‘di na kasing ganda na tulad ng dati. Problema ko na lamang yata yun na kahit sa buwan ay napaka-kritikal ko na kaya naman hindi ko na rin siya ma-appreciate na tulad ng dati.

Subalit sa kabila ng mga napapansin kong imperfections nito, nananatili pa rin ang undying fascination ko sa buwan. Hindi ko nga rin alam kung paano ito nagsimula. Naaalala ko lang na nagsimula ito nung high school at naipapakita ko ito sa pamamagitan ng paggamit ng Internet usernames na may kinalaman sa buwan tulad ng m00n13, m00nie, lunarekleipsis, at letterstoluna.

Pinangarap ko nga bang makarating sa buwan? Oo naman. Sa palagay ko, mga nasa 70% ng tao ang nangarap noong sila’y mga bata pa na maging astronaut at makarating sa buwan. Kung ang mga bituin ay hindi lalapag sa lupa (at sa totoo lang, takot din ako sa kanila), sa buwan ko na lamang gugustuhing mapadpad. Hindi na rin masama, malapit-lapit na rin ako sa mga naggagandahang bituin.

Phoebe

Ganito ang klase ng tanawing hinding-hindi ko matatagpuan sa amin. Ang langit ay natatakpan ng mga bubong ng dikit-dikit na mga bahay at wires mula sa mga poste ng kuryente. Sinubukan ko, ngunit walang nakagaganang mga ideya na lumalabas sa nakakaburyong at nakakalungkot na subdivision na punung-puno ng ingay, usok, at smog.

Phoebe, Stella, at Luna ang mga paborito kong pangalan. Sabi ko nga sa sarili ko, kapag nagkaanak akong babae balang araw, papangalanan ko siya ng kahit alin sa mga ito. O kaya naman, gagamitin ko silang tatlo. Ito ang magiging tribute ko sa paborito kong mga tanawin sa gabi–ang mga mapaglarong bituin, at ang malamig na buwang patuloy akong inaakit.

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s