Uncategorized

Halu-Halo

Minsan, hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga taong nasisikmurang kumain ng lahat ng sahog sa halu-halo. Kapag kumakain ako ng halu-halo noon, siguro mga anim lang sa 16 na sangkap na nilalagay ng tindera ang kinakain ko talaga, kasama na ang yelo at ang gatas. Kasi naman, napakaraming iba’t ibang textures at lasa ang nararamdaman ko sa bibig ko—may sobrang lutong, lambot at lagkit na noon ay hindi ko talaga kayang tiisin. Lagi tuloy akong nasesermonan ng nanay ko na huwag na lang daw akong bumili ng halu-halo, kasi nasasayang ang bente pesos. Mas mabuti pang mais con hielo na lang ang kinakain ko. Mabuti nga, mas gusto ko rin naman iyon. Simple, hindi nakakalito, at hindi masyadong kailangang pinag-iisipan.

Itong ugali ko na pagiging mapili, maarte, at “maraming requirements sa buhay” ay nadala ko sa pagtanda. Hindi ko naman siya ina-apply sa lahat ng aspeto ng buhay, totoo lamang ito sa pagkakaroon ng malalapit na kaibigan, o kaya naman ay isang karelasyon. Kung ang isang tao ay isang halu-halo, at anim lang sa 16 na sahog niya ang nagustuhan ko, wala pa mang nangyayari ay natatakot na ako ay iiwan ko na siyang hindi nauubos at hindi nakikilala. Tsk, sayang.

Minsan, ang mga tao naman ay parang mga indibidwal na sahog ng halu-halo. Ganito ko tingnan ang mga tao pagdating sa isang potensyal na relasyon. Sa tingin ko naman, may mga tao talagang may checklist para sa mga potential partners, ‘di ba? May makita lang akong mali, tutupi na kaagad ang buntot at aatras na. Nakaka-badtrip, ‘di ba? Kung ako siguro ang may nais na makipag-relasyon sa sarili ko, tiyak na mabubwisit lang din ako.

Ganito kasi, ayaw ko sa mga taong sobrang lamig na tulad ng yelo, dapat yung saktong lamig lang. O ‘di ba, ang labo talaga! Minsan naman, ayoko ng mga sobrang tamis na tulad ng pulang munggo (kahit paborito ko siya sa halu-halo) o kaya gatas na kondensada. Dagdag pa rito, may mga sobrang kunat, kulang sa lasa, sobrang lambot, sobrang lagkit na ayaw kang lubayan, at may wala naman talagang silbi pero kung isiksik ang sarili nila sa ibang katanggap-tanggap na tao para magmukhang okey. Kapag may isang aspetong pumalya, ay discarded na siya.

Ay, nako. Naiinis na nga rin ako sa sarili ko kasi ganito ako mag-isip. Napaka-condescening, judgmental, at insulting. Naiinis din minsan sa akin ang ibang kakilala ko, kasi hindi ko nga raw binibigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga nagpapahiwatig ng interes. Ewan ko, masama bang mag-asam ng perfection sa buhay? Siguro nga. Alam ko naming wala akong matatagpuang perpekto. Hindi rin naman ganoon kataas ang standards na nakalagay sa checklist ko! Grabe, downgraded at simplified na nga eh!

Ngayon, hindi ko na masyadong sinusunod ang checklist na iyon, eh. Pinipilit ko na ring tanggapin ang ibang sahog. Hinahanap ko pa rin ang perfect mix ng halu-halo, siyempre. Pero sinisikap ko nang kainin ang at least 13 sa 16 na sangkap ng halu-halo.

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s