Uncategorized

Lakbay.

Kartograpiya (n). – isang pag-aaral at kasanayan ng paggawa ng mga mapang pang-heograpiya.

Alas-siyete na ng gabi. Overtime na naman dito sa opisina. Palibhasa, ang saya-saya kasing paggamit ng mga digital plotters na ito para sa mga susunod na ilalabas na bersiyon ng mga mapang ito. Hmm, maalala ko, kailangan na rin palang i-update at mag-maintenance check para sa mga CAD programs at database updates.

Nananakit at nanunuyo na naman ang mata ko sa kakatitig sa napakaraming computer screens. Naririnig ko na rin ang aking nagrereklamong sikmura. Alas-dose ng tanghali pa nga rin pala ang huling kain ko. Ayos lang naman, naka-diyeta rin kasi ako. Kailangan ko kasing matupad ang aking pagbabawas ng timbang. Pati lalamunan ko, natuyo na rin. Pero naubos ko na ang tubig at kape na nasa tabi ng aking mesa. Nanginginig na nga ang mga kamay sa panlimang tasa ng kapeng nilaklak. Kailangan mag-relax. Magyosi pa muna kaya ako?

Kaso, ayaw nga pala niya ng yosi. Huwag na, uuwi na lang ako. Naghihintay siya.

Mabuti na lamang ang medyo malapit lang ang tirahan ko sa opisina. Isang dyip lang ang kailangan sakyan at ‘di pa hihigit sa tatlumpung minuto ang pagbiyahe.

Ang nakakainis lang tuwing bumibiyahe ay ang pagdidikitan ng mga balat ng mga magkakatabi sa dyip. Minsan kasi, tulad ng gabing ito, ay sobrang init. Humid, ika nga nila. Pawis na pawis ang mga katabi ko at para kaming mga sardinas sa sobrang dikitan. (Sardinas, pero para kaming mga tuna sa lata – malansa, mamantika. Naman.) Dapat pala, nagdala ako ng jacket. Sobrang naaalibadbaran ako sa braso ng malaking lalaking katabi ko ngayon. Parang buong araw pa man din siyang nagtatrabaho sa ilalim ng sikat ng araw. Construction worker yata. O kaya bouncer? Pwede, pwede. Shet. Di ko na kaya ‘to, inaatake ako ng claustrophobia sa dyip na ‘to. Para diyan lang sa tabi!

Hay, salamat! Alas-siyete y medya, ‘maaga pa. Pagdating na pagdating ko ng bahay ay kailangan kong maligo at tanggalin ang pawis at lagkit na ‘to. Napakarumi ko na, nakakainis. Tapos, parang gusto kong kumain ng seafood. Tinolang tahong! Ay, ano ba iyan. Magtigil ka nga, ang init init na nga maghahanap ka pa ng may mainit na sabaw.

Pagdating ko sa bahay, alam kong nandiyan siya, naghihintay sa akin. Dapat ay alas-sais pa ako dumating ng bahay, subalit  minsan ay masyado rin talaga akong nawiwili sa aking trabaho, na minsa’y kailangan kong magtaksil nang saglit upang makakuha pa ng dagdag na satisfaction sa kartograpiya.

Kartograpiya. Traveling on a minute scale. Paglikha ng maliit na mundo mula sa kawalan. Pagbuo ng larawan ng mga bundok na maaaring akyatin, karagatang walang hanggang kailangang sisirin, at mga bagong lupaing kailangan marating. Mga lugar na maaaring lakbayin, sa susunod na lima o sampung taon siguro. Hindi naman masamang mangarap na makarating sa ibang lupain. Pinaghahandaan ko na nga ito ngayon pa lamang. Ayaw kong matali sa iisang lugar lang. Gusto kong tumakas at maglakbay.

Subalit sa mga pagkakataong ito, ibang kartograpiya ang aking pinagkakaabalahan.

“Bakit ngayon ka lang?”

“Sorry, nag-overtime kasi sa trabaho. May deadline na kinailangang tapusin.” Nilapag ko ang aking mga gamit sa la mesa at umupo sa tabi niya, habang siya’y wiling-wili sa binabasang libro. Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.

“Mmm. Kumain ka na ba?”

“’Di pa, kaninang tanghali pa nga iyong huling kain ko eh.”

“Gusto mo bang kumain muna? May inuwi akong matatamis mula—“

“Huwag na, okay pa ako.”

Hinagkan ko ang kaniyang mga pisngi at hinalikan ang kaniyang mga labing parang mga kuweba. Isang kuwebang may buhay, mamasa-masa at kay lambot. Pinasukan ko ito ng dila, at lalong nabuhay ang kuwebang humihinga. Pabiro kong iminungkahi, “Mm. Ito ba ang sinasabi mong matamis na pasalubong?”

Hinalikan niya ako muli, at nararamdaman kong lumalalim at dumidiin ang pwersa ng kaniyang paghalik. Nalaglag sa sahig ang librong kaniyang binabasa. Kasabay nito ay ipinaglakbay ko ang aking mga kamay mula sa kaniyang pisngi patungo sa kaniyang buhok, na manaka-naka kong hinihila. Alam kong nasasarapan siya nito dahil lumalakas ang kaniyang mga pag-ungol. Tumayo kami pareho nang hindi bumibitaw sa isa’t isa, at mula sa hapag-kainan ay naglakbay kami patungo sa sala na hindi naman malayo mula rito. Binuhat niya ako mula sa puwit at inilapag sa love couch habang siya’y nakapatong sa akin. Hilig namin ang pagpunta sa mga hole-in-the-wall at secondhand shops na nagkalat sa Metro Manila, at natuklasan namin ang couch na ito na nabili sa napakamurang presyo. Vintage raw, galing ng France. Napaka-romantic.

Surveying and mapping.

Isinuot ko ang aking mga kamay sa ilalim ng kaniyang t-shirt at ibinaon ang aking mga mahahabang kuko sa kaniyang likod. Lalong lumakas ang kaniyang pag-ungol at kinagat niya ang aking labi. Kasabay nito ay naramdaman ko ang kaniyang mga makikisig na mga kamay na nagmamadaling gumagapang sa ilalim ng aking blouse at nilalakbay ang dalawang bundok, na ngayo’y nagmamatapang na parang ito ang unang pagkakataong may umakyat sa kanilang dalawa. Napaungol ako at napa-arko ang aking likod sa sarap na naramdaman. Sinuyod ng kaniyang mga kamay ang kapatagan ng aking tiyan, at ito’y nagdulot ng kiliti sa aking di-mapakaling katawan. Napatigil ako sa paghalik sa kaniya at natawa. Natawa rin siya, at tinuloy-tuloy pa ang pagkiliti sa aking tiyan at puson, kaya naman nilakbay ko rin ang kapatagan ng kaniyang tiyan at ginawa rin ito sa kaniya.

“Teka, palit tayo. Nangangalay ako, sa ibabaw ka naman?”

“Sure.”

Kasunod nito’y tinanggal na niya ang aking blouse at inihagis sa sahig. Lalo kong nararamdaman ang pawis at init na nakadikit sa aking katawan. Nandiri ako, gusting-gusto kong maligo ng mga panahong iyon, subalit hindi ko rin kayang patagalin pa ang sigaw ng uhaw kong katawang kailangan nang mapawi sa pagkakataong iyon. Sa aking panggigigil ay tinanggal ko na rin ang kaniyang t-shirt at idinikit ang aking katawan sa kaniya. Naghalo ang aming mga pawis. Nararamdaman ko ang kaniyang makinis na dibdib—makisig, matigas. Niyakap ko siya nang mas mahigpit pa, at hinahalikan niya ang aking mga leeg. Sa pagkakataong ito, hindi na nagmamadali ang kaniyang mga halik – may kabagalan at kalmado. Pakiramdam ko ay para akong hinehele ng mga alon habang ako’y nakasakay sa isang bangka at ito’y naglalakbay sa ibabaw ng isang natutulog na karagatan. Ramdam ko ang mga iniiwang magagaang halik na walang tunay na marka, subalit nagmamarka sa aking diwa – ang bawat dampi ng labi, sa aking alaala.

May mga panahong tulad ngayon, na gusto ko lamang ibalot ang aking sarili sa kaniya. Gusto kong maglakbay pa, na tila ba’y hindi ko pa kabisado ang bawat sulok, kurba at kanto ng kaniyang katawan. Kung maaari ko lamang gawan ng mapa ang kaniyang katawan ay matagal ko nang ginawa. Ilalarawan ko rito ang paborito kong puntahan, ang makitid na lubog sa gitna ng kaniyang likod kung saan ako nalalagi. Iniwan ko rito ang marka ng aking mga labi, mga footprints ng isang babaeng mahilig maligaw sa pagitan ng kaniyang mga balikat at likod na parang mga bundok.

Lalakbayin ng aking mga kamay ang lawak ng kaniyang mga dibdib, ang kisig ng kaniyang mga balikat, ang lambot ng kaniyang mga kamay, ang hubog ng kaniyang puwit, at ang kaniyang aring alam kong nagpupumilit nang kumawala.

Plotting.

Bumalik kami sa aming pagmamadali, at nagkukumahog niyang tinanggal ang aking palda at ako naman, ang kaniyang pantalon. Hinaplos niya ang disyertong tila ngayon lamang muli nakatikim ng kakarampot na pag-ulan matapos ang napakahabang panahon. Ito ang kuweba—hindi, ang karagatang sisisirin ng kaniyang manlalakbay. Kumapit ako nang mahigpit sa kaniyang mga braso, natakot na hindi makasabay sa biyahe, sa paglalakbay. Na baka ako ay mahulog at mawala na lang bigla.

Kumawala ang isang malakas na ungol mula sa aking mga labi. Bumibilis ang aming paghinga at ang kaniyang paghagod. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata habang siya’y nakatitig sa akin ang gusto niyang marating, ang nagaganap na paglalakbay sa kaniyang kamalayan ngayon.

Malapit na.

Napapikit ako ng saglit at naunang makarating sa aking destinasyon. ‘Di naglaon, ay sumunod na rin siya.

Napuno ng katahimikan ang paligid habang kami’y nalulunod sa aming sariling pawis. Napaidlip kaming dalawa nang magkayakap.

Time of arrival: Labinlimang minuto makalipas ang ika-walo ng gabi.

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s