Uncategorized

Paghimlay

Nabubuhay ka bang nakatiklop
Sa isang sulok ng mundo?
Nag-aabang
Sa bawat sandaling lalapit,
Sa bawat pagkakataong ikaw ay
Palulundagin at paliligayahin;

Nabubuhay lamang sa kathang-isip—
Isang malinaw na panaginip;
At sa iyong paglipad at pagtakas
Ay may hahatak muli pababa:
At sa kabila ng pagpupumiglas,
Gigising ang kamalayan sa katotohanan.

Ang kamalayang namulat sa kisameng hungkag;
Nagising dahil sa isang halik.
Subalit nang ika’y hinagkan niya
Ay wala kang naramdaman
Kundi ang mga hungkag na titig, haplos at halik.
Napabuntong-hininga ka na lamang at pumikit nang muli,
Sapagkat mas pinili mo na ang yakap ng panaginip
Kaysa sa kaniya.

Halika, ihehele kitang muli.

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s